Online voting experiment para sa registered OFW voters, isasagawa sa susunod na buwan ayon sa Comelec

46

Nakatakdang simulan ng Commission on Election (Comelec) sa mga susunod na buwan ang ‘online voting experiment’ para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na boboto sa 2022 national election.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, layon nitong ipakita sa Kongreso na posible ang pagsasagawa ng overseas online voting at tiyak na ligtas ang mga boto.


Paliwanag ni Jimenez, 300,000 lamang mula sa 2.4 million registered overseas Filipino voters ang lumahok sa 2019 midterm polls kaya’t lalong kailangan isagawa ang online voting experiment para matukoy ang geography ng mga botante.

Bukas sa lahat ng rehistradong overseas workers ang nasabing eksperimento pati na rin sa 20 kinatawan ng media.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng Comelec ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa pamamagitan ng online platform.

Posibleng sa buwan ng Marso opisyal na iaanunsyo ng Comelec ang ilang adjustments sa pagpa-file ng COC dahil nakasaad sa batas na kailangan ng personal appearance ng kandidatong maghahain ng COC.




Facebook Comments