Online work arrangements, magpapatuloy habang nasa lockdown status ang DENR

27

Magpapatuloy ang online work arrangement sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) alinsunod sa kautusan ng Civil Service Commission (CSC) habang isinasagawa ang disinfection sa lahat ng gusali ng ahensya.

Ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado at ng mga stakeholder.


Pinayuhan ni Environmental Management Bureau (EMB) Director William Cunado ang mga stakeholder na gamitin ng husto ang online sa lahat ng transaksyon.

Maaari aniyang idaan ang transaksyon sa pamamagitan ng kanilang email address na recordsco@emb.gov.ph para sa anumang serbisyo na ipinagkakaloob ng EMB.

Hiningi na rin ng DENR ang tulong ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagsasagawa ng sanitation at disinfection habang ito ay nasa lockdown status.

Dagdag ni Cunado, lahat ng empleyado ng bureau ay dadaan sa self-quarantine ng dalawang linggo na nagsimula kahapon upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Facebook Comments