Open dumpsite sa Cavite, ipinasara ng DENR

52
Photo Courtesy: DENR Facebook Page

Ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang anim na ektaryang open dumpsite sa Barangay Sahud-Ulan sa Tanza, Cavite dahil sa paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, ang naturang dumpsite ay mayroong tatlong metrong taas o 180,000 cubic meter na may halo-halong solid waste materials at walang kaukulang permiso mula sa DENR.


Kabilang sa mga tambak ng basura na nakita sa operasyon ay nagmula sa industrial parks, malls, supermarkets, food chains, restaurants at food product manufacturers.

Kinumpiska rin ang dalawang dump trucks at isang backhoe na naabutan sa lugar na itinurn-over sa DENR-PENRO Cavite.

Facebook Comments