Opensiba ng militar kontra Maute – ipinagpatuloy kasabay ng paggunita ng Eid’l Fitr; Marawi City – inihayag ng AFP na malapit nang makalaya

Manila, Philippines – Muling ipinagpatuloy ng militar ang kanilang opensiba kontra sa teroristang Maute sa Marawi City, kasabay ng paggunita ng Eid’l Fitr ngayong araw.

Sa media briefing sa Marawi City, sinabi ni Joint Task Force Marawi spokesman. Lt. Col. Jo-Ar Herrera na unti-unti nang nananalo ang AFP kontra Maute.

Ayon kay Herrera – malapit nang makamit ang kalayaan ng Marawi lalo na’t patuloy ang pagbawi nila sa mga kuta ng grupo.


Sa nagpapatuloy na clearing operation ng AFP, umabot sa 85 na gusali ang idineklara nang ligtas ng militar.

Facebook Comments