Opensiba ng Militar laban sa NPA, pansamantalang ipinahihinto

16

Manila, Philippines – Pansamantalang ihihinto ng pamahalaan ang mga isinasagawang opensiba laban sa new People’s Army (NPA).

Ayon kay Government Peace Panel Chairman at Labor Secretary Silvestre Bello, III – ito ang tugon ng pamahalaan sa ginawang panawagan ng National Democratic Front (NDF) sa mga miyembro ng npa na itigil ang kanilang opensiba laban sa AFP at PNP.

Dagdag pa ng kalihim, bahagi rin nito ng pagbuo ng kumpiyansa ng magkabilang panig para sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan at bilateral ceasefire agreement.

Aniya, ikinalulugod ng gobyerno ang hakbang ng mga komunistang grupo para pagtuunan ang nangyayaring labanan sa Marawi City.

Facebook Comments