Nagpapatuloy pa ang konstruksyon sa isinasagawang bagong municipal cemetery sa Urbiztondo matapos makompletong ilatag ang libo-libong columbarium.
Mas pinalawak ang sementeryo na may kabuuang sukat na 7,937 square meters at may kapasidad na 4,305 na burial plots, columbarium at apartment type tomb.
Magtatayo rin ng Multi-Purpose Building, Chapel at Comfort Rooms at iba pang opisina ng mga mamamahala sa sementeryo.
Target na masimulan ang operasyon ng pasilidad ngayong taon na may layuning mabigyan ng kalidad na serbisyo ang mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments