Operasyon ng Business One Stop Shop, umarangkada na sa Pasig City

42

Sinimulan na sa Pasig City Hall ang operasyon ng Business One Stop Shop (BOSS).

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, layunin ng Business One Stop Shop na mailapit ang serbisyo sa mga business-owner, mapagbuti ang Ease of Doing Business at mabawasan ang Red Tape.


Ginawa ang BOSS sa Mega Parking 2 na maluwag at may maayos na bentilasyon.

Hinikayat din ni Sotto ang lahat ng mga business-owners sa lungsod na magbayad na habang maaga pa upang hindi magkasabay-sabay ng pagpunta bilang pagiingat sa COVID-19.

Paliwanag ng Alkalde, noong nakaraang taon ay halos huling linggo na nagbayad ng sabay-sabay ang mga negosyante at kung ganito ulit ang mangyayari ay mawawalan ng social distancing at delikado para sa mga business owners at mga empleyado.

Facebook Comments