OPERASYON NG DIALYSIS CENTER SA WESTERN PANGASINAN, NAGSIMULA NA

Nagsimula na ang operasyon ng dialysis center sa Western Pangasinan District Hospital para sa mga dumaranas ng chronic kidney disease stage 5 o CKD 5.

Ayon sa pamunuan ng ospital, libre ang gamutan, laboratory tests at iba pang bayarin sa ilalim ng hemodialysis package ng PhilHealth at Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patient (MAIFIP).

Ito ay base na rin sa PhilHealth Circular No. 2024-0014 na nagsasaad ng 156 hemodialysis session para sa mga pasyente na nakalista sa Philippine Dialysis Database.

Ilan sa mga dokumentong kinakailangang dalhin ng mga pasyente ay ang recent laboratory test results, records of dialysis treatment at medical abstract and dialysis from attending nephrologist.

Sa kasalukuyan, 15 dialysis machines ang mayroon sa naturang ospital at nasa 29 na nakalistang pasyente mula sa Western Pangasinan na nakatakdang sumailalim sa gamutan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments