
Tuloy-tuloy na ang operasyon ng LRT-1 ngayong Huwebes ng hapon.
Ito ay matapos ang apat na oras na aberya na nagresulta sa limitadong operasyon mula bago mag-alas-diyes ng umaga hanggang pasado alas-dos ng hapon.
Ayon sa operator na Light Rail Manila Corporation (LRMC), nalimitahan ang operasyon ng LRT-1 dahil sa aberya sa Vito Cruz Station.
Tuloy-tuloy naman ang dating ng mga tren kada tatlong minuto partikular dito sa United Nations Station sa Maynila.
Humingi na rin ng paumanhin ang LRMC sa mga pasaherong naabala.
Samantala, sa kabila ng nagpapatuloy na tigil pasada ng ilang transport groups ay marami pa ring bumibiyaheng mga jeep ngayon dito sa kahabaan ng Taft Avenue.
Facebook Comments










