Operasyon ng Metro Manila Subway, planong simulan sa katapusan ng taon

53
Photo Courtesy: PTV (Screen Grab)

Pinaplano na ng Department of Transportation (DOTr) na simulan sa katapusan ng taon ang operasyon ng Metro Manila Subway.

Ang aktwal na konstruksyon ay magsisimula sa ikatlong quarter ng taon kung saan bubuksan ito sa East Valenzuela.


Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, hindi pa nakakapagbayad ang bansa sa 85 percent na pondong gagamitin sa naturang proyekto na inutang mula sa Japan.

Inaasahan namang mababayaran ito sa loob ng 40 taon na may 12-year grace period at 0.1% interest.

Facebook Comments