Operasyon ng mga colorum na pumapasada sa Quezon City, halos baldado na dahil sa ADDA

84

Manila, Philippines – Halos wala ng makita ang Land Transportation Office na mga colorum at iligal na pumapasada sa Q.C.

Ayon kay Rolando Abelardo , Deputy Chief ng LTO law enforcement division, kasunod ng pag papatupad ng Anti Distracted Driving act, hindi na makagamit ng 2 way radio ang mga UV express.

Diskarte kasi ng mga iligal na pumapasada, gumagamit sila ng 2 way radio para matimbrehan ang mga kasamahan sa esaktong location ng mga tauhan ng LTO na nanghuhuli.


Sa ngayon ikawalang araw na ng pagpapatupad ng ADDA at wala pa silang nahuhuli sa lungsod ng Quezon.

Facebook Comments