Operasyon ng outpatient department sa Ospital ng Cabuyao sa Laguna, binuksan na matapos magpositibo ang ilang healthcare workers

72

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na bukas na ngayong araw ang operasyon ng outpatient department ng Ospital ng Cabuyao sa Cabuyao, Laguna.

Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ang anim na staff ng naturang ospital.

Ayon sa DOH, ang consultation ay inilipat muna sa emergency room at na-disinfect na rin ang outpatient department.


Patuloy namang nagpapagaling ang anim na staff na tinamaan ng virus.

Facebook Comments