Operasyon ng pampublikong transportasyon, hindi lilimitahan ngayong Christmas season

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na hindi nila hihigpitan ang restrictions sa pampublikong transportasyon ngayong holiday season.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary Alberto Suansing, wala silang planong limitahan ang public transportation sa ngayon maliban na lamang kung may ilalabas na bagong panuntunan ang Inter-Agency Task Force (IATF) para rito.

Hinimok ni Suansing ang mga commuters na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum health standards.


Facebook Comments