Operasyon ng Pasig River Ferry, suspendido ngayong araw; Opearsyon ng LRT 2, mas aagahan na simula sa Lunes

96

Manila, Philippines – Suspendido muna ang biyahe ng Pasig River Ferry ngayong araw.

Barado kasi ng mga water lily ang ilog sa bahagi ng Ayala Bridge sa Quiapo, Maynila.

Samantala, simula sa Lunes, July 3, babiyahe na nang mas maaga ang mga tren ng Light Rail Transit 2.


Sa abiso ng LRTA, alas 4:30 nang madaling araw ang first trip ng tren na magsisimula sa Santolan Station habang alas 10:00 ang last trip.

Sa parehong oras din ang tatakbo ang unang biyahe mula Recto station habang alas 10:30 ang last trip.

Araw-araw itong ipatutupad kahit tuwing holiday.



Facebook Comments