Operasyon ng PNP, hindi apektado kahit tumataas ang bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19

31

Nananatiling normal ang operasyon ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay sa kabila ng patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.


Ayon kay PNP Spokesman Police Brigadier Gen. Bernard Banac, regular ang kanilang work rotation o palitan ng mga tao at nag-a-adjust sila sa sitwasyon.

Bukod dito, marami na ring pulis ang gumaling sa COVID-19 at mayroon ng fit-to-work status.

Base sa pinakahuling tala, umabot na sa 942 ang kumpirmadong kaso ng mga pulis na may COVID-19.

Siyam ang nasawi at 419 naman ang gumaling na.

Facebook Comments