Operasyon ng PNP, hindi apektado matapos masibak si DILG Secretary Mike Sueno

79

Manila, Philippines – Hindi maapektuhan ang operasyon at serbisyo ng PNP
kahit pa magkaroon ng palitan ng DILG Secretary.

Ito ay matapos ang pagsibak kay DILG Secretary Mike Sueno ni Pangulong
Rodrigo Duterte.

Ayon PNP Chief Dir. Gen. Ronald Bato De La Rosa, tuloy lang ang normal na
operation ng PNP lalo na sa kanilang anti criminality at anti-drug campaign.

Inakala pa ni Dela Rosa na sinibak si Secretary Sueno dahil sa usapin ng
corruption ngunit nang nagkalinawan na loss of confidence ang pagtanggal sa
kaniya ay no comment na ito.

Mas mabuting ang tanungin na lamang daw ay ang Malakanyang.

Si De La Rosa ang guest of honor kanina sa inilunsad na On Line LTOPF at
firearms registration sytem ng PNP.

Nation”

Facebook Comments