OPERASYON NG SABUNGAN, SUSPENDIDO; OPERASYON KONTRA TUPADA NG PULISYA, NAGPAPATULOY

21

Suspendido parin sa lalawigan ng Pangasinan ang operasyon ng sabong ito ay dahil nasa ilalim pa rin ang lalawigan sa Modified General Community Quarantine o MGCQ.

Extended hanggang May 31, 2021 ang pagbabawal sa operasyon ng sabong sa probinsiya.
Tuloy tuloy din naman umano ang ginagawang monitoring ng pulisya sa mga cockpit arena kung ang mga ito ba ay tumutugon sa kautusan.


Malaking bagay naman umano ang pagsuspendi ng operasyon dahil sa lugar ay madalas ang kumpulan ng mga tao na nagtutungo dito na maaaring maging sanhi ng pagkalat mg COVID19 virus.

Samantala, tuloy ang operasyon ng otoridad sa mga tupadahan o mga iligal na sabong sa iba’t ibang bayan at siyudad sa lalawigan kung saan nasasawata ang ilan sa mga indibidwal na sangkot dito.

Facebook Comments