Operating capacity sa restricted GCQ areas, posibleng itaas na!

29

Posibleng iakyat na ng Department of Trade and Industry ang operating capacity sa restricted General Community Quarantine (GCQ) areas.

Sa interview ng RMN Manila kay DTI Sec. Ramon Lopez, sinabi nito na kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at anim na lalawigan ay pag-aaralan nila ang mga sektor na maaari pang buksan.


Sinabi rin ni Lopez na pinag-aaralan na rin nila ang proposal ng private sektor na payagan ng makapasok ang mga empleyadong nabakunahan na kahit nasa 20% pa lang ang allowed operating capacity.

Bukod dito, ikinokonsidera rin ng DTI ang panukala na palawigin ang mga nasa A4 priority group upang makabangon ang ating ekonomiya.

Facebook Comments