Operating hours ng mga mall sa Metro Manila, palalawigin sa susunod na linggo

53

Palalawigin na ang operating hours ng mga mall sa National Capital Region (NCR) simula Nobyembre 15.

Sa inilabas na abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magbubukas na ang mga mall sa Metro Manila simula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi.

Ang naturang probisyon ay epektibo lamang tuwing weekdays upang makatulong sa pagpapagaan ng daloy ng trapiko ngayong papalapit na ang holiday season.


Nilinaw naman ng MMDA na limitado pa rin ang sale tuwing weekends at holiday.

Facebook Comments