Operation Assistant ng Isang Kumpanya, Natagpuang Nakabitin ang Katawan sa Kwarto

51

Cauayan City, Isabela- Wala nang buhay at nakabitin ang katawan nang matagpuan sa loob ng inupahang kwarto ang isang operation assistant ng Agribase Company sa Lungsod ng Cauayan.

Nakilala ang biktima na si Joy Ines, 22 taong gulang, pansamantalang naninirahan sa isang boarding house sa brgy San Fermin, Cauayan City at residente ng Mallig, Isabela.


Ayon sa pahayag ng kanyang katrabaho at boardmate na si Noel Cabbab, tatlong beses na tinatawagan ang biktima ngunit hindi ito sumasagot kaya’t nagtungo siya sa tinutuluyan ng biktima.

Tumambad kay Cabbab ang nakabitin na katawan ng biktima sa loob ng CR ng kanyang kwarto.

Dahil dito, agad na tumawag sa Rescue 922 si Cabbab para humingi ng tulong na agad namang tinugunan ng rescue team.

Wala nang pulso ang biktima nang maabutan ng rescue team kaya’t itinawag na ito sa pulisya para magsagawa ng imbestigasyon.




Base sa pagsisiyasat ng kapulisan, walang patandaan na nagkaroon ng komosyon sa loob ng kwarto o foul play sa nangyaring pagpapatiwakal ng dalaga.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na kusa nitong kinitil ang kanyang buhay at walang nangyaring foul play.

Naiuwi na kahapon sa kanilang tahanan ang mga labi ng biktima.

Facebook Comments