Operations center ng Task Force Against Corruption, bubuksan na ng DOJ

56

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakatakda na nilang buksan ang operations center sa Department of Justice, kaugnay sa Task Force Against Corruption.

Ipinaliwanag ng kalihim na ang operations center ang tatanggap, sasala at magba-validate sa mga complaints at mga report laban sa mga iligal na aktibidad sa isang partikular na ahensya ng gobyerno.


Layunin aniya nito na maimbestigahan at masampahan ng kaso ang mga isinasangkot sa korapsyon at mapabilis ang pagpapalabas ng resolusyon sa mga nakabinbing kaso.

Nilinaw naman ni Guevarra na bukod sa Department of Public Works and Highways, Bureau of Internal Revenue, Bureau of Customs, Land Registration Authority at PhilHealth, sisilipin din ng mega task force ang iba pang ahensya ng gobyerno.

Bilang namumuno sa mega task force, ay bubuo rin ang DOJ ng mga strike team na tututok partikular sa government agency o kung sino ang target nilang maimbestigahan.

Facebook Comments