Opisina ng alkalde sa Pagadian City, muntik nang madamay sa sunog

Muntik nang matupok sa sunog ang gusali ng Executive Building sa Pagadian City kahapon ng madaling araw.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection- Pagadian City Central Office, alas 3:00 ng madaling araw nang biglang mapasin ang pangangamoy ng sunog sa likurang bahagi sa opisina ni Pagadian City Mayor Sammy Co.

Dahil sa pangyayari agad inalerto ang tropa ng Mobile Patrollers and Tactical Motorcycle Riding Unit upang masiguro ang seguridad ng gusali.


Ayon kay Fire Officer 3 Jestonie Ocariza, ang imbestigador ng BFP-Pagadian, nakontrola nila ang apoy alas 3:05 ng madaling araw.

Ang naka-imbak nga papelis ang tinuturong dahilan sa naturang sunog.

Facebook Comments