Opisina ng LTO sa NCR at karatig-probinsya, balik-operasyon na bukas

68

Inanunsyo ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) na magbabalik-operasyon na ang mga tanggapan nito na sa National Capital Region (NCR) sa Lunes, May 3.

Kabilang din sa mga magbubukas na tanggapan ng LTO bukas ay ang mga opisina sa Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Iginiit naman ng LTO na ipapatupad pa rin nila ang skeletal workforce at shifting assignment sa muling pagbubukas ng mga nasabing tanggapan bilang pagsunod sa COVID-19 health protocols.


Nabatid na pansamatalang isinara ang LTO offices sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal noong March 29 hanggang April 2 pero nausad ito hanggang ngayon araw dahil sa COVID surge.

Facebook Comments