Opisina ng OSG, nananatiling sarado matapos magpositibo ang Assistant SolGen at ilang staff

22

Mananatiling sarado hanggang bukas ang tanggapan ng Office of the Solicitor General (OSG).

Ito ay para bigyang daan ang pag-disinfect sa tanggapan at ang contact tracing.


Una rito, hiniling sa Korte Suprema ni Solicitor General Jose Calida na ipagpaliban muna ang oral arguments na nakatakda sana ngayong araw, January 19 matapos na magpositibo sa COVID-19 ang kanyang Assistant Solicitor General at ang ilang staff nito.

Bunga nito, itinakda ang oral arguments sa February 2, 2021 dakong alas-2:30 ng hapon.

Pinayuhan din ng Supreme Court ang mga lalahok sa oral arguments na hindi empleyado ng Korte Suprema kasama na ang media na ipagpaliban muna ang kanilang swab test.

Facebook Comments