Opisyal at anim na miyembro ng BIFF, sumuko sa militar sa Maguindanao

102

Sumuko ang isang opisyal ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), kasama ang kanyang anim na tauhan sa militar sa Maguindanao.

Kinilala ni Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan ang lider ng 7 mga sumuko na si alyas Commander Binladen, na Deputy Field Commander ng BIFF Bungos Faction.


Isinuko rin nila ang kanilang matataas na uri ng armas.

Sa pahayag ng grupo, ang dahilan ng kanilang pagsuko ay dahil sa walang humpay na operasyon ng militar laban sa kanilang grupo.

Sinabi naman ni Joint Task Force Central Commander, Maj. Gen. Juvymax Uy na patuloy na tutugisin ng militar ang mga nalalabing miyembro ng BIFF.

Facebook Comments