Opisyal na pagbubukas ng 3 araw na Kabisig Philippine Government Expo and Trade Fair 2019 sa Activity Center ng Trinoma Mall, naging matagumpay

72

 

 

February 26, 2019 | Nagbukas ang 3 araw na Kabisig Philippine Government Expo and Trade Fair 2019 sa Activity Center ng Trinoma Mall. Layon ng nasabing aktibidad na ipaalam sa taumbayan na maraming tanggapan ng pamahalaan ang maaring lapitan at hingan ng tulong.

 

Sa opening remarks ni Ginoong Daniel Guillen, presidente ng Kabisig People’s Movement at president ng Kabisig Mindanao Foundation, Inc., hinikayat niya ang ibat-ibang tanggapan ng pamahalaan na makiisa sa taunang pagtitipon.


Maswerte namang naimbitahan ang DZXL RMN Manila para maipakilala ang DZXL Radyo Trabaho block, kabilang na dito ang Centro Serbisyo, Meet The Boss at Usapang Trabaho na mapapakinggan mula alas-9:00am hanggang alas-12:00 ng tanghali.

 

Gayundin ang Straight To The Point na mapapakinggan Lunes hanggang Biyernes, mula alas-6:00am hanggang alas-9:00am.

 

Samantala, nagbigay din ng short message ang tanggapan ng DTI, Intellectual Property Office of the Philippines, Social Housing Finance Corporation, National Printing Office. Bukod dyan, nagbigay din ng special number ang PNP combo na nagbigay ng kasiyahan sa aktibidad.

 

Magtatagal ang Expo & Trade Fair hanggang February 28, 2019.

Facebook Comments

From Advertisers