Opisyal ng PNP-HPG, arestado dahil sa pangingikil sa loob mismo ng Camp Crame

65

Naaresto sa entrapment  operation ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang opisyal ng Highway Patrol Group (HPG) sa loob mismo ng Camp Crame matapos ireklamo ng pangongotong.

Kinilala ni PNP-IMEG Director Police Colonel Romeo Caramat Jr. ang suspek na si Police Major Raul Salle, deputy chief ng Operations Management Division ng HPG sa Camp Crame.


Aniya mag-a-alas dose ng gabi kagabi nahuli sa akto si Salle na tumatanggap ng P400,000 marked money sa isinagawang operasyon.

Una rito nakatanggap kasi sila ng ulat na sangkot sa robbery extortion ng isang biktima ang opisyal kaya nag-imbestiga sila ay ipinaalam ang kaso sa HPG.

Nanatili sa kustodiya ng IMEG ang naarestong opisyal at mahaharap sa kasong robbery extortion.

Facebook Comments

From Advertisers