Oplan Tabang para sa mga Tsuper ng DZXL Radyo Trabaho, aarangkada ngayong araw

77

Naghahanda na ngayong araw ang team ng DZXL 558 Radyo Trabaho, RMN Foundation Inc. at RMN Networks para isang araw na “Oplan Tabang sa mga Tsuper” sa Quezon City.

Mamimigay ang aming team ng food packs at hygiene kits sa mga tsuper na patuloy na naaapektuhan ng pandemya.

Unang pupuntahan ay jeepney drivers ng grupong Piston sa Brgy. West Fairview sa lungsod ng Quezon.


Sunod dito ay ang mga miyembro ng Pasang Masda sa Balong-Bato Ilalim sa Monumento.

Katuwang sa proyektong ito ang Virginia Food Inc., Republic Biscuit Corporation (REBISCO) at ACS Manufacturing Corp.

Kita-kits mga ka-Radyo!



Facebook Comments