
CAUAYAN CITY – Magpapatuloy hanggang ngayong araw, ika-21 ng Mayo ang isinasagawang Binata na si Kuya – Oplan Tuli sa bayan ng Cabagan.
Gaganapin ang naturang aktibidad sa San Juan Evacuation Centers at magsisimula ng alas-8 ng umaga na pangungunahan ng Cabagan Rural Health Unit katuwang ang Local Government Unit ng Cabagan.
Inaanyayahan ang mga batang lalaki mula sa mga riverside barangay sa Cabagan na magpalista para sa isasagawang libreng tuli na bukas sa mga edad 10 pataas.
Ang mga nais lumahok ay maaaring magpalista sa kani-kanilang Barangay Health Station o sa mga Barangay Health Workers.
Layunin ng aktibidad na maisulong ang kalinisan, kalusugan, at wastong pangangalaga sa katawan ng mga kabataang lalaki sa komunidad.
Facebook Comments