Oposisyon, iginiit na huwag tigilan ang operasyon laban sa ASG

18

Manila, Philippines – Suportado ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano ang operasyon ng militar laban sa mga Abu Sayyaf.

Ito ay bunsod na rin ng tangkang pangingidnap ng ASG sa Bohol bago mag-Holy week at ang pamumugot ng ulo kamakailan sa kanilang bihag.

Giit ni Alejano, wala nang puwang sa lipunan ang grupong Abu Sayyaf na wala nang ginawa kundi maghasik ng karahasan.

Sabi ni Alejano, hindi na dapat tantanan ng militar ang pagtugis sa ASG hanggang sa malipol ang mga ito.

Pero paalala ng kongresista sa gobyerno na hindi lamang sa militar nakasalalay ang paglutas sa problema sa Abu Sayyaf.

Ilang beses na napatunayan ito sa mga nakaraang operasyon na kahit makubkob ang kanilang kampo at mapatay ang maraming miyembro ay nananatili ang kanilang paghahasik ng karahasan.

Iginiit ni Alejano na kailangan ang whole of nation approach o pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, NGOs at lokal na komunidad para matigil ang operasyon at recruitment ng Abu Sayyaf sa mahihirap na lugar partikular sa Mindanao.
Nation

Facebook Comments