Oposisyon, pumalag sa bintang na publicity stunt ang hamon na mag-jetski na ang Pangulo sa Scarborough Shoal

716

Manila, Philippines – Umalma si Magdalo Partylist Representative Gary Alejano sa akusasyon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na isang publicity stunt ang ginawang pagtatangka ng Otso Deretso senatorial bets na magtungo sa Scarborough Shoal.

Giit nito, seryosong isyu ang West Philippine Sea (WPS) kaya walang puwang ang political propaganda.

Simbolo aniya ito ng paghahamon nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na panindigan ang karapatan ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo.

Pinasinungalingan rin niya ang pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi sila pinagbawalan na bisitahin ang Panatag Shoal dahil mismong ang mga mangingisda ay hindi makakapaglayag nang walang paalam.

Plano pa muli ng grupo na humingi ng permiso sa PCG sa susunod na pagkakataon na bibisitahin nila ang Scarborough Shoal kahit na matapos ang eleksyon.

Facebook Comments