OPVET PANGASINAN, MAY PAALALA SA MGA PET OWNERS NGAYONG NARARANASAN ANG MAINIT NA PANAHON

Hindi lamang ang mga tao ang nakararanas ng mainit na panahon, lalo ngayong inaasahan na ang pagpasok ng Philippine Summer o panahon ng tag-init, apektado rin ang mga hayop.

Nagpaalala ang Office of the Provincial Veterinary – Pangasinan sa mga pet owners sa gitna ng patuloy na nararamdamang init ng panahon.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Provincial Veterinarian Arcely Robiniol, inihayag nito ang ilan sa mga nararapat na gawin ng mga nag-aalaga ng hayop upang maisaalang-alang din ang kanilang kalagayan.

Iginiit nito na ang pagiging responsableng pet owner ay nakapaloob sa umiiral na batas o RA 9842.

Paiigtingin pa ng tanggapan ang kampanya kontra rabies maging ang pagtataguyod ng responsible pet ownership sa mga Pangasinenses. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments