Manila, Philippines –Â Umarangkada na ang ikatlong bahagi ng oral argument hinggil sa petisyon ni Senador Leila De Lima na kumukuwestiyon sa utos na pag-papaaresto sa kanya ng Muntinlupa Regional Trial Court dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga na inihain laban sa kanya ng DOJ.
Â
Sa pambungad pa lamang na pananalita ni solicitor General Jose Calida, sinabi nitong nalabag ni Atty. Maria Cecille Tresvelles-Cabalo ang section 6 ng 2004 notarial rules.
Â
Itoây makaraang matuklasan ang iregularidad ng notaryo na nasa verification at certification against forum shopping na isinumite ni De Lima sa Korte Suprema.
Â
Giit ng OSG, hindi naman kasi personal na pinanumpaan ni De Lima ang petisyon sa harap ng notary public kaya maituturing na falsified at untruthful ang petisyon nito.
Â
Dahil dito, posibleng falsification na kasong kriminal sa ilalim ng revised penal code at reklamong administratibo ang ihahain nila laban kay De Lima at kay Cabalo.
Â
Nais din ng OSG na ipa-site for indirect contempt of court ang dalawa.