Orange barrier sa EDSA tinatanggal na – mga sinarang kalsada dahil sa ASEAN Summit, maaari na ulit daanan

14

Manila, Philippines – Binabaklas o tinatanggal na ng mga kawani ng Metropolitan Mla Devt Authority ang libu-libong mga plastic orange barriers at traffic cones sa EDSA NB Lane.

Ito ay dahil sa naka alis na ang ibat ibang state leaders at pormal nang natapos ang 31st ASEAN Summit na idinaos sa bansa.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, ito ay base narin sa rekumendasyon ng Task Force ASEAN.

Maging ang kahabaan ng Roxas Blvd hanggang sa may PICC Complex ang maaari naring daanan ng mga motorist.

Nagpapasalamat naman ang MMDA sa mga motorista na umunuwa at nagpasensya sa ipinatupad na traffic rules sa kasagsagan ng ASEAN Summit.

Facebook Comments