Oras ng pagboto sa Lunes, extendable – COMELEC

89

Muling inulit ng Commission on Elections (COMELEC) na ang oras na deadline sa pagboto sa May 9 ay extendable o maaari pang mabago.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang botohan ay magsisimula ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi at maaaring ma-extend basta may nakapila.

Aniya, ang mga botante na nakapila na may 30 metrong layo sa polling precincts ay papayagan pa ring makaboto.


Nauna nang sinabi ng COMELEC na hindi na kailangan ng mga botante na magdala ng vaccination cards, face shields, at RT-PCR test results para makaboto.

Facebook Comments