Orihinal na mapa ng Disneyland, ipinagbibili sa halagang $1-million

California – Nakahanda nang ipasubasta ang mapa na gawa mismo ng Disneyland Founder na si Walt Disney at kaibigan niyang si Herb Ryman sa isang gallery sa Los Angeles, California.

Ito ay matapos na ianunsyo ng Van Eaton Galleries, isa sa pinakasikat na animation at auction houses sa mundo ang muling pagkakatuklas sa mapa na nagkakahalaga ng mahigit kumulang na $750,000 hanggang $1 million.

Kasamang ipasusubasta rin ang 1000 na iba pang Disneyland props, costumes at souvenirs sa darating na Hunyo 25, 2017.


Ang 64 taong gulang na Disneyland map ay ginamit ng Walt Brothers para ipakita ang kanilang proyekto at para makalikom ng pondo mula sa ilang banko at sikat na TV networks gaya ng CBS, NBC, at ABC.

DZXL558

Facebook Comments