Otso Diretso, humiling sa Comelec na mamagitan para sa isang debate katunggali ang HNP

134

Manila, Philippines – Hiniling ng Otso Diretso sa Commission on Elections (Comelec) na magtakda ng debate sa pagitan ng kanilang grupo at ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Lumiham sa Comelec ang Otso Diretso matapos ang pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na dapat magkaroon ng third party organizer sa debate.

Ayon sa Otso Diretso, makabubuti kung ang komisyon ang maging facilitator ng debate dahil wala itong kinikilingan.

Giit pa ng Otso Direso, ang mga botante ang makikinabang sa debate dahil makikilala nila ng husto ang kakayahan ng bawat kandidato at ang kanilang posisyon sa mga isyung kinakaharap ng bansa.

Samantala, sabi naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez, bukas silang maging third party organizer sa debate.

Pero titignan pa nila kung kakayanin ito ng kanilang oras, pondo at mga tauhan.

Facebook Comments