Outgoing AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay, nagbigay ng huling saludo sa hanay ng Philippine Navy

79

Ibinigay ni outgoing AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay ang kanyang huling saludo sa Philippine Navy sa kanyang pagbisita kahapon sa headquarters ng Philippine Fleet (PF) at Naval Special Operations Command (NAVSOCOM) sa Naval Base Heracleo Alano in Sangley Point, Cavite City.

Siya ay pinagkalooban ng military honors bilang pagkilala sa kanyang matapat na paglilingkod sa bansa bilang ika-54 na pinuno ng sandatahang lakas.


Sinaksihan rin ni General Gapay ang isang capability demonstration ng NAVSOCOM Airborne Ground.

Pinuri naman ni Gen. Gapay ang kanyang mga tauhan sa Philippine Navy, sa pangunguna ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo sa isang “job well done”, at nagpasalamat sa suporta, kooperasyon, serbisyo at sakripisyo.

Ayon pa kay Gen. Gapay na sa kanyang pagreretiro, tiwala siyang nasa mabuting kamay ang Navy at ang Sandatahang Lakas na may mahuhusay na lider at tauhan na may matatag na pagsasamahan.

Facebook Comments