Outgoing PNP Chief Gen. Camilo Cascolan, nanawagan sa hanay ng PNP na suportahan si incoming PNP Chief MGen. Debold Sinas

Hinikayat ni outgoing Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan ang lahat ng opisyal at tauhan ng PNP na suportahan si Police Major General Debold Sinas.

Si Sinas ay pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte para mamuno sa 218,000 national police forces.

Sinabi ni Cascolan na kailangan ni General Sinas ng suporta mula sa PNP Officer Corps at rank-and-file para magampanan ang kanyang mandato bilang PNP Chief.


Ayon pa kay Cascolan, ang isang dynamic organization katulad ng PNP, tao lamang ang pinapalitan pero ang strategic vision ay nananatili.

Aniya, ang magandang experience ni Gen. Sinas sa police operations, ang kanyang command staff, training assignment sa Luzon, Visayas, Mindanao at Metro Manila ay isang magandang record para pamunuan ang PNP.

Naniniwala rin si Cascolan sa kakayahan ni Sinas na mapanatili ang maigting na kampanya laban sa krimen, ilegal na droga, terorismo at korapsyon.

Facebook Comments