Outgoing PNP Chief General Debold Sinas, nagpahayag ng 100 porsyentong suporta kay incoming PNP Chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar

188

Ipinapanawagan ni outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas sa hanay ng PNP ang suporta para sa papalit sa kanya na sa incoming PNP Chief Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

Sa isang pahayag, hinimok nito ang 220,000 tauhan ng PNP na ibigay ang suporta kay Eleazar na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumalit sa kanya.


Aniya, deserving si Eleazar sa pwesto at 100 porsyento ang kumpyansa siya dito.

Umaasa naman siya na sa pamumuno ni Eleazar, mapapanatili ang momentum ng PNP sa magandang polisya at institutional programs.

Samantala, sinabi ni Sinas naniniwala siyang nagampanan niyang maigi ang kanyang trabaho sa PNP.

Bukas alas-2:00 ng hapon gagawin ang traditional change of command ceremony sa Camp Crame.



Facebook Comments