Outgoing senator at incoming Makati Mayor Nancy Binay, ipinag-uutos sa unang araw ng pamamahala ang courtesy resignation ng mga department heads sa munisipyo

Ipag-uutos ni outgoing Senator at incoming Makati Mayor Nancy Binay sa kanyang unang araw ng pag-upo sa Makati ang courtesy resignation sa lahat ng department heads ng lungsod.

Ayon kay Binay, kabilang ito sa mga unang utos na kanyang ilalatag sa pag-upo niya bilang alkalde ng lungsod sa June 30.

Nilinaw naman ng incoming Mayor na hindi naman ibig sabihin na ipinanawagan niya ang pagbibitiw ng mga department heads sa munisipyo ay papalitan na ang lahat ng mga nakaupo.

Tiniyak naman ni Binay na mayroon na siyang nakaantabay na mga ipapalit sa mga mababakanteng posisyon.

Ito ay para masigurong tuloy-tuloy ang paghahatid ng serbisyo at mga programa sa lungsod.

Facebook Comments