Outing ng magbabarkada sa San Fabian Beach sa Pangasinan, nauwi sa trahedya matapos malunod ang isa sa kanila

Nauwi sa trahedya ang dapat sana ay masayang outing ng mga mga magbabarkada sa bayan ng San Fabian dito sa Pangasinan partikular sa San Fabian Beach.

Ito ay matapos malunod ang isa sa mga ito na nakilalang si Jerry De Guia ng Urdaneta City.

Sa imbestigasyon ng PNP, na naganap ang pagkalunod ng biktima habang sila ng kanyang mga kaibigan ay naliligo sa San Fabian Beach partikular sa sakop ng Nibaliw West nang biglang tangayin ng malakas na alon ang biktima.


Agad namang humingi ng tulong ang mga kaibigan nito kung saan sa tulong ng Philippine Coast Guard at ng San Fabian MDRRMO ay natagpuan ang katawan nito.

Sa kasamaang palad, idineklarang dead on arrival ito sa pagamutan matapos mahanap.

Facebook Comments