Outsourcing ng PhilHealth IT System, iminungkahi ni Senator Drilon

116

Kumbinsido si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa kahalagahan ng Information Technology o IT System para malabanan ang korapsyon sa PhilHealth.

Pero giit ni Drilon, mas makabubuti na i-outsource na lang ito kung saan ibang kompanya na may maayos na reputasyon ang hahawak sa IT Services ng PhilHealth.


Tiwala si Drilon na ang kaniyang suhestyon ay tugon sa alegasyon sa pagbili ng PhilHealth ng overpriced na mga kagamitan para sa IT System.

Paliwanag pa ni Drilon, daan ang outsourcing ng IT System para mas mapagtuunan ng PhilHealth ang pagpapalawak sa operasyon nito at pagpapabuti ng benefit packages at accreditation mechanisms.

Umaasa si Drilon na ang kaniyang mungkahi ay maipapaloob sa magiging report ng Committee of the Whole kaugnay sa ginawa nitong mga pagdinig sa katiwalian sa PhilHealth.

Facebook Comments