OVP, binigyan ng pinakamataas na audit rating ng COA

Nakatanggap ng pinakamataas na audit rating mula sa Commission On Audit (COA) ang opisina ni Vice President Leni Robredo para sa taong 2018.

 

Nakasaad na nagbigay ang state auditors ng “unqualified opinion” sa patas na presentasyon ng financial statement ng tanggapan ng ikalawang pangulo.

 

Ayon sa Commission On Audit, ang “unqualified opinion” ay ikinukonsidera bilang highest opinion na maaaring matanggap ng isang ahensya ng gobyerno.


Sa ilalim ng pamunuan ni Robredo, binigyang-pansin ng OVP ang mga panukala ng oversight agencies gayundin ang mga hakbang na layong maging mas maayos ang paggamit ng pondo ng bayan.

 

Facebook Comments