OVP, humiling ng ₱733-M pondo para sa susunod na taon

Humiling ang Office of the Vice President ng 733 million pesos na budget para sa susunod na taon.

Ito’y halos kahalintulad lamang ng naging pondo ng tanggapan ngayong taon.

Paliwanag ni Vice President Sara Duterte na ang naturang budget proposal para sa susunod na taon ang pinakamaliit na isinumite ng OVP sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Mas mababa rin ito sa 1.8 bilyong pisong pondo na natanggap ng OVP noong 2024.

Ayon sa bise presidente, hindi na ito hihiling pa ng mas malaking pondo para sa kaniyang opisina dahil inaasahan na nito na hindi aaprubahan ng Kongreso.

Tulad noon, hindi pa rin maipagpapatuloy ang ilang programa at proyekto ng OVP gaya ng medical at burial assistance gayundin ang feeding program na una nang itigil matapos tapyasan ng pondo ang tanggapan ng pangalawang pangulo.

Facebook Comments