
Tiniyak ng Office of the Vice President na naka-monitor ang OVP-Southern Mindanao Satellite Office (OVP-SMSO) sa sitwasyon matapos ang malakas na lindol kaninang umaga sa Manay, Davao Oriental.
Ayon sa OVP, naka-standby sila para umalalay sa mga mangangailangang local government unit tulad ng pagbibigay ng relief assistance sa evacuees.
Hinihimok din ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ang mga apektadong residente na sumailalim sa psychological first aid lalo na ang mga bata na nakaramdam ng matinding tako sa malakas na pagyanig.
Pinapayuhan din ng OVP ang mga residente na maghanda ng Go Emergency Bags sa harap ng mga aftershocks.
Facebook Comments









