
Nagtayo na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng Crisis Communication Center sa kanilang Central Office sa harap ng isinasagawang rescue and relief operations sa apat na nawawalang Overseas Filipino Workers o OFWs sa Myanmar.
Tiniyak din ng OWWA na nakahanda sila sa lahat ng tulong at suporta para sa OFWs na patuloy na hinahanap, gayundin sa kanilang pamilya sa Pilipinas.
Sa ngayon, nananatiling naka-alerto ang Crisis Communication at Monitoring Team ng OWWA.
Patuloy rin ang ugnayan ng Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers, OWWA, at mga Embahada ng Pilipinas sa mga apektadong lugar para makapagbigay ng tulong, impormasyon, at suporta sa OFWs.
Pinapayuhan naman ng OWWA ang OFWS na nangangailangan ng tulong na makipag-ugnayan sa mga hotline ng Embahada o OWWA.