OWWA, nakipagpulong sa International Organization for Migration para sa pag-improve ng Pre-Departure Orientation Seminar sa OFWs

Nakipagpulong si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Yvonne Caunan sa mga kinatawan ng International Organization for Migration (IOM)

Ito ay para talakayin ang pagpapabuti ng orientation seminars para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Pre-Migration, Pre-Employment, Pre-Departure hanggang sa Post-Arrival.

Napag-usapan din ang posibleng training para sa OWWA officers sa Pilipinas at abroad, alinsunod sa Reintegration Handbook ng IOM.

Layon nito na matiyak na magkakatugma ang mga programa ng Department of Migrant Workers (DMW) at OWWA pagdating sa reintegration at serbisyo para sa umuuwing OFW.

Naniniwala ang OWWA na sa pamamagitan ng pagtutulungan, mas mapapalalim pa ang kaalaman ng OFWs at mas mapagtitibay ang kanilang kahandaan sa bawat yugto ng kanilang pangingibang bansa.

Facebook Comments