OWWA, pinapag-iingat ang publiko sa kumakalat na online scam

Nagbabala ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa publiko laban sa kumakalat na online scam kung saan ginagamit nito ang pangalan ng OWWA upang makapang bikitima.

Gamit ang social media page, nagpapanggap ang isang user na siya ay bahagi ng OWWA at nagpapadala ito ng message na naglalahad nang kwentong may sakit na anak o tungkol sa emergency at sunod na tinatangka nito na makuha ang mga personal na impormasyon o sahod ng kanilang bibiktimahin.

Sinabi ng OWWA na hindi sila nakikialam sa personal na isyu tulad ng sakit ng anak at hindi humihingi ng pera o personal info sa mga ganitong paraan at hindi rin tinatawagan ng OWWA ang employer para sa mga ganitong usapin.

Paalala ng OWWA na kung makatatanggap ng kahina-hinalang mensahe ay ‘wag na itong sasagutin at agad i-report sa OWWA hotline 1348.

Facebook Comments