OWWA R2, NAMAHAGI NG P1.8M TULONG PINANSYAL SA MGA OFW SA ISABELA

Cauayan City – Namahagi ng kabuuang Php 1,838,015.00 ang Overseas Workers Welfare Administration – Regional Welfare Office 2 (OWWA RWO2) sa 115 benepisyaryo mula sa iba’t ibang bahagi sa lalawigan ng Isabela.

Pinangunahan ni Regional Director Virsie B. Tamayao ang pamamahagi ng tulong-pinansyal sa isang awarding ceremony na ginanap sa 4Lanes Plaza, Santiago City, kahapon, May 22, 2025.

Kabilang sa mga programang pinagkalooban ng pondo ay ang Balik Pinas, Balik Hanapbuhay (BPBH) at Special Livelihood Program na nakatulong sa 66 benepisyaryo na tumanggap ng kabuuang Php 1,085,000.00.

Sa ilalim naman ng Welfare Assistance Program (WAP), 31 benepisyaryo ang nakatanggap ng Php 429,000.00. Mayroon ding tatlong benepisyaryo sa ilalim ng MOI 011 Special Financial Assistance na tumanggap ng Php 10,000.00.

May 14 na benepisyaryo rin ng iba’t ibang scholarship programs ang nabigyan ng Php 174,015.00, habang isang pamilya ang pinagkalooban ng Php 120,000.00 bilang Death and Burial Assistance.

Tiniyak naman ng OWWA Regional Welfare Office 2 na patuloy silang magiging katuwang ng mga kababayan sa muling pagbangon at pag-unlad.

Facebook Comments